Cashew nuts or “Kasoy” in Filipino, are edible seeds found outside its fruit. According to the myth, Cashew nuts used to be inside a hollow portion inside the fruit. How did it end up being outside? Read to find out.

The famous saying “Be careful of what you wish for” is also said to be originated from this story according to folklore.

Noong unang panahon, isang diwata ang namamahala sa mga halaman, prutas, puno at hayop sa kagubatan. Mabait at mapagbigay ito. Isang araw, nagdaos ang diwata ng isang piging. Lahat ay imbitado. Kaya naman, lahat ay nagsipag handa para sa araw na iyon.

Dumating ang araw ng kasiyahan. Lahat ay nagsasayawan habang masayang tumutugtog ang mga musikero. Tawanan dito, tawanan doon.

Sa lahat ng mga prutas, si Kasoy ang malungkot. Hindi niya kasi nakikita ang mga kasiyahang nagaganap dahil nasa loob siya ng prutas.

Kaya namutawi sa kanyang bibig na sana’y nasa labas siya at nakikita ang kasiyahan. Narinig ng diwata ang himutok ng kasoy.

Nilapitan ng diwata si Kasoy at muling tinanong kung ano ang kanyang nais. Agad namang sumagot ang kasoy. Inulit niya ang kanyang hiling. Sa isang wasiwas ng diwata, lumabas si Kasoy mula sa kanyang kinaroroonan. Dahil hindi nasisikatan ng araw, kulay abo ang buto ng kasoy. Lubos ang kasiyahan sa mukha ni Kasoy. Namamangha siya sa mga kulay at liwanag.

Sa gitna ng kasiyahan, napatigil ang diwata sa kanyang pakikipag-usap. Malayo pa man, ramdam na niya ang parating na unos ng kalikasan. Naghudyat siya ng pagtatapos ng piging.

Nagulantang man ay nagtago ang mga hayop. Nagsikapit ang mga halaman sa lupa. Nagdasal ang mga prutas para sa kaligtasan ng lahat. Ilang minuto pagkatapos ng hudyat ng diwata, bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Umihip ang hanging kay lamig.

Dumagundong ang kulog at gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Nangaligkig sa ginaw si kasoy habang pilit tinatakpan ang mga tenga. Nabibingi siya sa kulog. Natakot si Kasoy. Magsisi man siya ay huli na ang lahat. Nais niya muling pumaloob sa dating kinalalagyan. Subalit, hindi na pinakinggan ng diwata ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng diwatang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Mula noon, nasa labas na ang buto ng kasoy na siyang nakagisnan na ng mga tao.



Discover more from HEAC SKILLS TRAINING

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Trending